AY, AY, AY PAG-IBIG

PAG-IBIG-1

(ni NENET L. VILLAFANIA)

Naalala ba ninyo noong high school, kung saan kung sino-sinong kaibigan at kaklase ang nagpapapirma sa inyo sa slum book? May mga tanong na: Who is your crush? What is your motto in life? What is your ambition? Pero ang hindi nawawalang tanong ay “Define love”.

Pag-ibig. Ano nga ba ang depinisyon ng love? Ang dami! Love is blind. Love means never having to say you’re sorry … mapupuno ang isang buong libro sa depi­nisyon pa lang ng pag-ibig. Sabi ni Webster (dictionary), “love is an intense feeling of deep affection.” Feeling, e ‘di emosyon.

Sabi naman ng mga scientist, biological need raw ito ng phylum mammalia tulad ng gutom, uhaw at pagnanasa. Sa madaling sabi, para sa mammals tulad ng aso at pusa, natural lang ang atraksyon na maaaring mauwi sa pakikipagtalik. Kadiri, parang aso lang.

Pero kahit saan pa daanin, ang love ay damdamin. Base sa sariling karanasan at sa karanasan na rin ng ibang nakausap ng inyong lingkod, hindi lang feelings ang love kundi pagsasakatuparan ng isang emosyong mahirap ipaliwanag. Kapag nagmahal, makakaramdam ka ng pag-aalala at pagkalinga sa kung sino man ang mahal mo.

Ang unang pag-ibig na binanggit sa Biblia ay pagmamahal ng magulang sa anak (Genesis 22). Kapag isinilang ang isang sanggol, kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ng magulang, lalo na ang ina. Sabi nga ni Diana Ross, “Ang baby, everytime you touch me, I become a hero, I’ll make you safe no matter where you are.”

Normal lang na gagawin ng magulang ang lahat para sa kanyang anak, kahit pa ialay ang sariling buhay, kaya nga kataka-takang may mga magulang na nagagawang ibenta ang kanilang mga anak. Kahit nga asong bagong pa­nganak, nagagalit kapag sinasaktan ang kanilang tuta, hindi ba?

Sa mga ordinaryong taong tulad natin, iba-iba ang nagiging aksyon sa pag-ibig at pagmamahal. Puwede kang magmahal pero hindi ka naman mahal ng mahal mo (kawawa!). Pero puwede ring mahal ka ng mahal mo pero may mahal siyang iba (saklap naman!).

Mayroon namang directional love na tinatawag. Isang nagmamahal at isang minamahal. Minsan naman, hindi ka lang nagmamahal – kundi gumagawa pa ng sakripisyo para sa taong mahal mo kahit pa hindi niya sinusuklian ang nararamdaman mo (dakila!).

Ang totoong pag-ibig ay hindi makasarili. Ito ay kung naniniwala ka sa isang tao at ipinakikita mong naniniwala ka sa kanya.

Sa pelikulang Dekada ‘70, tinanong ni Christopher de Leon si Vilma Santos kung mahal pa siya nito sa tinagal-tagal ng kanilang pagsasama at ganito ang isinagot niya:

“Ipinaglaba kita ng 25 taon, ipinagluto kita at pinagsilbihang parang hari, sinunod ko ang lahat ng gusto mo, binigyan kita ng mga anak, pero ngayon, gusto ko nang makipaghiwalay.”

Naisip ko tuloy, puwede rin sigurong mahalin ng katulong ang kanyang amo kung iyon ang sukatan ng pagmamahal. Tagaluto, tagalaba, tagalinis ng bahay … puwera lang ang panganganak. May mag-asawa naman kasing walang anak. Pero naisip ko rin, hindi naman obligasyon ang pag-ibig. Love is passion, pero kung nakasasakit na, pag-ibig pa ba ‘yon?

Sa rami ng nasulat ko tungkol sa love, parang ang gulo pa rin. Marami na ring tula at kuwento ang naisulat dito, pero magulo pa rin. Sabi nga ni Wiliam Shakespeare, “Love is not love when it alters and its alteration finds.” In other words, ang pinakamalalin na kahulugan ng pag-ibig ay malalaman mo lamang kung paano nito nabago ang buhay mo. Better love and fail than never love at all. That’s all folks. (photos mula sa thenextweb.com, nickwignall.com, eharmony.com)

Comments are closed.