AY-MEE SAGOT SA MAHAL NG TEXT NA NAKABUBUGNOT!

edwin eusebio

Nakapananabik ang isa sa Pet Bill ni Senadora Imee Marcos…

Nais niyang ibaba ang bayad sa Text messaging sa isang sentimo.

Tiyak itong ipagbubunyi ng Publiko,

kapag naging batas…

ito na ang mag-oobliga sa mga Telco…

Affordable text messaging ay sadyang Areglado.

 

Sa Senate Bill ng Nagbabalik na Senadora…

Ang DICT ang pinakikilos n’ya,

Price Ceiling ay dapat na ipatupad, aniya,

Tumalima rin sa Global Trend

Dahil ang Modernong Teknolohiya ay Pandaigdigan na!

 

Kaya Welcome at katanggap-tanggap para kay Senador Imee

pagpasok ng karagdagang Player sa Telco Industry,

Dahil sa  paligsahan sa serbisyong mas nakakukumbinsi,

Dapat na pababa ang Presyo ng texting na napakarami.

 

Hindi naman itinago ni Senadora Imee ang pagkadismaya…

Sa mabagal na Internet Speed sa bansa na nakakaantok tila.

Ito ang marapat na ayusin Anya kara-karaka…

Bago maisakatuparan at maging posible ang bayad sa text na murang-mura.



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

Comments are closed.