AYA MEDEL NAG-SURVIVE SA ANEURYSM

Muntik na palang makipag-eyeball kay San Pedro si former sexy star-turned chef and restaurant owner Aya Medel.

Akalain mong big­lang tumaas ang high blood pressure at pumutok ang ugat sa utak, sanhi para magkaroon siya ng brain aneurysm.

Sinwerte lang si Aya, baka hindi pa talaga niya oras. Hindi ba si Da King FPJ, yan ang ikinamatay?

Kaya naman very thankful talaga si Aya.

“I know that I am one of the lucky few, and the day-to-day isn’t always so easy. But I planned to live my life to the very fullest. My heart is filled with thanks,” aniya.

“Thank you Lord for giving me another chance to live.”

Dagdag pa niya, wala raw itong pinipiling edad at hindi siya dapat balewalain dahil talagang nakamamatay.

Aminado si Aya na hangga ngayon ay nagpapa-therapy pa siya. Magaling na raw siya, pero maraming side effects ang aneurysm. Yung iba nga raw ay nagiging vegetative state, salamat na lamang at hindi ito nangyari sa kanya.

Noong September 21, nag-post si Aya sa Facebook ng:

“I am back…

“Many people are wondering what happened to me, why suddenly I stopped posting, talking to people, and I was gone for months.

“Yes! I had a brain aneurysm, but I survived.”

Hindi nagdetalye si Aya kung paano siya naka-recover, basta naka-recover siya at nagpapasalamat sa Diyos at sa mga taong tumulong sa kanya.

Sa Cardinal Santos siya ginamot, pero hindi siya nag-post ng hospital pictures. Siguro, hindi siya ang klase ng taong mahilig magpaawa.

RLVN