KAHIT pa tanggapin ng water duopoly ang nirebisang mga kontrata ay hindi ito nangangahulugan na hindi sila makukulong. Malinaw rin ang babala ng Pangulo na kung susubuking gamitin ng dalawang dambuhalang negosyante ang kanilang sindikato sa hudikatura ay hindi siya mangingiming ikulong agad-agad ang mga ito.
Wala na talagang atrasan. Tuloy-tuloy na. Nakatodo na pati pato. Ito ang laban ni Pangulong Duterte at ng taumbayan laban sa mga water conces-sionaire.
Nakaambang sampahan ng kasong economic plunder, syndicated estafa at economic sabotage ang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company, Inc. dahil umano sa mapagsamantalang kontrata na pinasok nito sa gobyerno para sa water distribution.
Sinabi ng makailang ulit ng Pangulo na handa siyang bumagsak para makipaglaban at makamtan ang hustisya para sa taumbayan ukol sa hindi ma-katarungang kontrata ng Manila Water na pagmamay-ari ng mga Ayala at ng Maynilad na pagmamay-ari naman ni Manny V. Pangilinan, na hinihi-nalang proxy ng Salim Group ng Indonesia.
Ayon sa Pangulo, dispalinghado ang kontrata sa kalugihan ng mamamayan kung saan nakasaad dito na hindi maaaring makialam ang gobyerno sa pagtataas o pagbababa ng presyo ng tubig.
“Ang masakit diyan, we cannot interfere, kasi they will sue us and these two will be awarded billions,” pahayag ng Pangulo.
Nakasaad kasi sa kontrata na anumang interference ng pamahalaan na magreresulta sa kalugihan o hindi nagustuhan ng dalawang water concession-aires ay maaaring ikaso laban sa pamahalaan.
Ayon pa kay Duterte, nakasaad din sa kontrata na wala talagang lugi ang dalawang kompanya dahil idinidikta sa kontrata na guaranteed ang profit nila at anumang kalugihan ay babayaran ng gobyerno sa kanila na, aniya, ay umaabot ng bilyong piso.
“Assured income, they (Manila Water at Maynilad) lose, we pay,” ang wika ng Pangulo.
Wala din umanong kapangyarihan ang gobyerno sa pagtataas o pagbaba ng paniningil ng dalawang water concessionaire sa mga consumer.
Higit isang dekada na ring nagbabayad ang bawat kabahayan sa dalawang water concessionaires para sa water treatment ngunit nananatiling mabaho at nakadudulot ng mga sakit ang tubig na nagmumula sa mga gripo.
Ibinunyag ni Duterte na nabuking niya na gawa-gawa lamang ang diumano’y water shortage na inanunsiyo ng dalawang water concessionaires noong nakaraang taon, bukod pa nga sa sablay na serbisyo at napagsasamantalahan ng daan-daang bilyong piso ang taumbayan at pamahalaan.
“That to me is economic sabotage,” pagdidiin ng Pangulo.
“Ganito ‘yan, maraming tubig, ang problema ibinigay natin sa mga torpeng hindi nga mga FIlipino halos o Filipino ‘yan na walang kaluluwa, ‘yang Manila Water pati Maynilad, kay Pangilinan pati kay Ayala. Matagal na ito kaso walang pumipiyak kasi nga takot sa pera ni Ayala at ni Pangilinan. But, when I saw the contract… they are screwing us by the billions,” pahayag ni Pangulo.
“Sila ang distributor, atin ang tubig, but in the contract itself the water which is a natural resource of any country is categorized not as a natural re-source but being treated as a commodity!” pahayag ni Duterte.
“Water is part of the national patrimony, but in the contract, our country surrendered to Manila Water and Maynilad everything including sovereign-ty, we have bargained it away,” pahayag ni Duterte.
“Itong Maynilad at Manila Water distributor ito sila, pero atin itong tubig as part of the patrimony of the nation, ngayon they entered into a contract, kagagawan ito ng mga lawyer, kaya ibinuko ko itong si Frank (Drilon),” sabi pa ni Duterte.
“This will be a bloody war, habulin ko talaga kayo,” deklarasyon pa ni Duterte.
Kasama mo ang sambayanan, Pangulong Duterte.