PINAKILOS ng Ayala Corp. ang iba’t ibang kompanya nito para makipag-ugnayan sa local government units (LGUs) sa pagkakaloob ng kagyat na tulong sa mga komunidad na apektado ng pagsabog ng Taal Volcano.
Ayon sa parent conglomerate, nagdispatsa ang water concessionaire Manila Water at ang iba pang operating units nito sa Laguna at Batangas, sa pakikipagtulungan ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ng 30 water tankers sa iba’t ibang evacuation centers sa Batangas, kabilang ang Bolbok Provincial Sports Complex, tatlong lugar sa Tanauan, at isa sa Sto. Tomas.
Nagpadala rin ang Manila Water Foundation ng paunang 2,000 five-gallon units ng bottled water.
Inanunsiyo ng Property arm Ayala Land (ALI) na winave ng lahat ng Ayala Malls sa Metro Manila at Calabarzon ang overnight parking fee kahapon upang makatulong sa mga customer na ang mga sasakyan ay maaaring naapektuhan ng ashfall mula sa Taal Volcano. Nagkaloob din ng free WiFi connection ang kompanya.
Sa Ayala Malls Solenad at Ayala Malls Nuvali, ang cinema building ground floor ay bukas sa sinumang customer na nangangailangan ng masisilungan at charging stations.
Idinagdag pa ng conglomerate na gumagana ang Globe Telecom network sa lahat ng apektadong lugar.
Bilang paghahanda sa posibleng masamang epekto sa kalusugan ng pagsabog ng Taal Volcano, inalerto ang AC Health’s Generika drugstore at ang FamilyDOC clinics upang magkaloob ng gamot, medical supplies, first-aid, at medical consultation.
Kabilang sa mga masamang epekto sa kalusugan ng ashfall ay respiratory at skin diseases at eye irritation.
“More relief efforts are underway as the Ayala group continues to work with relevant LGUs to meet the immediate needs of the affected communities,” sabi pa ng grupo.
Comments are closed.