CAGAYAN – NAUWI sa karahasan ang masayang drinking session at pagbi-videoke ng magkakaibigan nang tagain ng isang lalaki ang kanyang kainuman matapos na gayahin nito ang inawit niyang kanta sa bayan ng Baggao sa lalawigang ito.
Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang biktimang si Juanito Cabaruan, 63-anyos ng Barangay Tallang sakop ng Baggao municipality.
Mabilis namang naaresto ng mga nagrespondeng awtoridad ang suspek na si Jesus Alonzo, 63-anyos na magsasaka ng nasabi ring barangay.
Ayon kay Plt.Col. Osmundo Mamanao, hepe ng Baggao Police Station, masaya pang nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng kanilang kaibigan na at nagkakantahan
Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat nagalit ang suspek dahil ginaya ng biktima ang kanyang kinanta kaya sa galit ito ay umuwi sa kanilang bahay kumuha ng patalim at inaabangan ang biktima na umuwi ng bahay saka niya ito binanatan.
Kasong frustrated murder ang posibleng kaharapin ng suspek sa Baggao Provincial Prosecutor’s Office.
VERLIN RUIZ