Mga laro ngayon:
1 p.m.- Terrafirma
vs Mgnolia
4 p.m. – Meralco
vs Rain or Shine
6:45 p.m. – San Miguel vs Phoenix
MATAPOS ang league leaders ay isinunod ng NLEX Road Warriors ang No. 2 team sa PBA bubble standings sa kanilang biktima.
Tinambakan ng NLEX ang Rain or Shine, 94-74, upang manatili sa kontensiyon para sa PBA Philippine Cup quarterfinals kahapon sa Angeles Univetsity Foundation gym sa Pampanga.
Bago ito ay ginulantang ng Road Warriors ang TNT Tropang Giga, 109-98, noong nakaraang linggo.
Pinakawalan ni Jericho Cruz ang 12 sa kanyang 17 points sa fourth quarter kung saan lumayo ang hot-shooting Road Warriors para sa 20-point victory.
Umangat ang tropa ni coach Yeng sa 3-5 kartada habang nahulog ang Elasto Painters ni coach Caloy Garcia sa 4-2.
“Ayaw pa naming umuwi, we needed this game kaya ‘yung energy was really high, especially sa second half,” sabi ni Cruz, na tinulungan si Kevin Alas, tunipa ng 18 points, sa scoring parade.
Pinaulanan ng NLEX ng 16 three-pointers ang Rain or Shine habang nilimatahan ang E-Painters sa 32 percent field goal shooting (24-of-75) at na-rebound ito, 52-46.
“One of the big developments for us is we’re just getting in better shape,” sabi ni Guiao, na ang koponan ay naitala ang unang back-to-back wins sa bubble.
“Nung umpisa, we’re not in good shape and our defense was lousy. But the last few games, yung fitness namin translated sa extra energy sa defense,” dagdag pa niya.
“I don’t think you can beat teams like TNT and Rain or Shine if you’re not up to defense.”
Binago ng NLEX ang kanilang mental approach matapos ang 1-5 simula kung saan pinairal nila ang “nothing-to-lose” mantra.
“I really want to take the pressure off the players. Sabi ko ang gusto lang natin gawin is parang nasa training camp tayo, magpakundisyon, learn every day. If we’re doing it right, we’ll win, if we’re doing it wrong, we’ll just go back to practice and correct them,” ayon kaybGuiao.
“So, ayun, parang na-relax na sila.”
Samantala, tumatag ang Meralco sa kampanya nito para sa isang quarterfinals berth makaraang maitakas ang 89-85 panalo laban sa inaalat na Blackwater.
Umangat ang Bolts sa 4-3 record para sa solo sixth place.
Sa iba pang laro ay pinataob ng Magnolia Hotshots ang TNT Tropang Giga, 102-92, para umakyat sa solo eighth place.
Iskor:
Unang laro:
NLEX (94) – Alas 18, Cruz 17, Quinahan 13, Soyud 9, Miranda 8, Ravena 7, Semerad 7, Paniamogan 5, Galanza 5, Varilla 3, McAloney 2, Ayonayon 0.
Rain or Shine (74) – Nambatac 15, Ponferada 10, Norwood 7, Rivero 7, Rosales 7, Torres 7, Belga 7, Mocon 5, Borboran 5, Wong 3, Onwubere 1, Tolentino 0, Yap 0, Doliguez 0, Arana 0.
QS: 24-18, 42-39, 64-57, 94-74.
Ikalawang laro:
Meralco (89) — Newsome 19, Hugnatan 14, Quinto 14, Hodge 11, Maliksi 10, Almazan 7, Salva 4, Black 4, Amer 4, Jamito 2, Pinto 0, Jackson 0.
Blackwater (85) — Trollano 16 , Sumang 15, Escoto 13, Tolomia 10, Canaleta 8, Golla 5, Daquioag 6, Dennison 4, Belo 4, Magat 4, Salem 0, Gabriel 0.
QS: 25-15; 44-36; 66-59; 89-85.
Ikatlong laro:
Magnolia (102) – Lee 27, Banchero 19, Sangalang 15, Barroca 14, Corpuz 8, Reavis 6, Melton 4, Jalalon 4, Dela Rosa 3, Calisaan 2, Abundo 0, Pascual 0, Saitanan 0, Dionisio 0.
TNT (92) – Park 29, Castro 25, Enciso 9, Erram 8, Pogoy 7, Rosario 6, DeLeon 5, Montalbo 3, Carey 0, Reyes 0, Alejandro 0, Semerad 0, Washington 0, Vosotros 0, Flores 0.
QS: 24-25, 47-41, 74-68, 102-92
Comments are closed.