“ECONOMIC development is always intertwined with peace and order.”
Ito ang pahayag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. kahapon matapos ang ginawa nitong pagbisita sa lalawigan ng Negros Oriental na niyanig ng insidente ng pamamaslang sa kanilang punong panlalawigan na ikinamatay ng sampung katao.
Binigyang din ni Abalos sa harap ng LGU officials at mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at iba pang sektor sa Negros Oriental ang kahalagahan ng peace and order sa pagpapalago ng ekonomiya at pag-unlad ng probinsiya.
Sinabi pa ni Abalos na kailangan magtulungan ang PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP), local government units (LGUs) at publiko para sa maayos na peace and order sa ekonomiya ng probinsya matapos ang trahedyang nangyari noong Marso nang pinaslang si Governor Degamo.
Sinasabing naging mabilis na bumalik sa normal ang lalawigan kasabay nang gumagandang peace and order situation dahil sa mga pagsisikap ng law enforcement authorities at patuloy na bumababa ang bilang ng crime incidents sa probinsya, ayon sa mga datos ng PNP.
“Marami nang nangyari. Ang importante, we should look forward and take control of the situation. We owe it to our province and the people of Negros,” saad ni Abalos. VERLIN RUIZ