MALABO pang babaan ang interest rates habang nananatili sa ibabaw ng target range ang inflation, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr.
“I think we’re unlikely to cut rates in the next few months. We’re in a higher (rate) for longer, when I say hawkish, that basically means high for a while,” pahayag ni Remolona sa isang briefing nitong Miyerkoles.
“We’re still not yet out of the woods when it comes to inflation. If there are further supply shocks, it makes it all the harder,” aniya.
Tinaasan ng Monetary Board ng BSP ang policy rates ng kabuuang 450 basis points magmula noong Mayo ng nakaraang taon para mapababa ang mataas na inflation. Inihatid nito ang benchmark policy rate sa 6.5 percent.
Bumagal na ang headline inflation sa 4.1 percent noong nakaraang buwan, bahagyang mas mataas sa 2 hanggang 4 percent target range ng pamahalaan.
Sa kabila nito ay hindi ginalaw ng BSP ang policy rates sa kanilang huling dalawang pagpupulong.
Umaasa si Remolona na maitatala ang headline inflation sa below 3 percent sa first quarter ng 2024 at bibilis sa mahigit 3 percent sa April hanggang July dahil sa mga epekto ng El Niño.
“But for the year as a whole, we hope we’re within the target range. Closer to the ceiling, I think. Closer to the ceiling and to the middle. Closer to 4 percent than 3 percent, for the year as a whole,” aniya.
LIZA SORIANO