(Ayon sa BSP) RUSSIA-UKRAINE WAR IMPACT SA ECONOMY LIMITADO

BSP

LIMITADO lamang ang epekto ng pagsakop ng Russia sa Ukraine sa ekonomiya at banking system ng Pilipinas, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ng BSP na ito ay dahil sa layo ng bansa sa conflict area, sa  limitadong economic link kapwa sa Russia at Ukraine, sa malakas na macroeconomic fundamentals ng Pilipinas.

Ang Russia-Ukraine crisis ay nakaapekto sa global oil supply chain na nagresulta sa mas mataas na presyo ng krudo sa buong mundo, gayundin sa inflation para sa ibang commodities.

Ayon sa BSP, ang export links kapwa sa Russia at Ukraine ay “negligible” sa $120 million at $5 million, ayon sa pagkakasunod. Dagdag pa ng central bank, ang trade link ng Russia ay 0.2 percent lamang ng total export ng bansa noong 2021.

Sinabi pa ng  BSP na ang “trade financing transactions ng mga bangko sa Russian counterparts ay inconsequential.”

“Philippine banks also have ‘minimal’ cross-border deposit liabilities exposure to both Russia and Ukraine.”

Samantala, ang dalawang local banks ay may  total investments na P254.12 million, sa pamamagitan ng kanilang  Trust Departments sa dalawang  Russian banks —  VTB Bank Public Joint Stock Company at  Russian Agricultural Bank, hanggang December 2021.

Ngunit kumakatawan lamang umano ito sa wala pang isang porsiyento ng kanilang total assets under management.

Pagdating sa remittances, wala pang isang  porsiyento ng total overseas Filipino (OF) remittance ng bansa para sa  2021 ang nagmula sa Russia at Ukraine.