ANG pagkaantala sa shipping at paghahatid ng imported agricultural products, kabilang ang tone-toneladang bigas, ay sanhi ng ilang bagyo at weather disturbances, ayon sa Department of Agriculture (DA)
Ginawa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pahayag makaraang sabihin ng Bureau of Customs (BOC) na hindi sanhi ng pagkakaantala sa delivery ng rice shipments sa bansa ang port congestion
“The delay was caused by force majeure,” ani Tiu Laurel, tinukoy ang datos na nirebyu ng DA.
Naunang sinsbi ng Philippine Ports Authority (PPA) na may mahigit 888 shipping vans na naglalaman ng tinatayang 20 million kilograms ng bigas sa container yards ng Manila ports.
Noong weekend ay may 300 container vans na ang nailabas.
Samantala, sinabi ni Tiu na sinisilip ng DA ang mga kompanya na umano’y sangkot sa container vans na nakatengga sa Manila ports.
Ayon kay Laurel, natuklasan ng DA na ang mga kompanya ay hindi na nag-e-exist.
”We checked that some of the companies, mukhang hindi na rin existing iyong companies eh. But, of course, we’re still going to pursue the investigation and we will get to the bottom of this,” ani Laurel.
Aniya, inaalam ng DA sa legal department nito kung ang mga kompanya ay maaari pang panagutin hinggil sa bagay na ito kahit nagsara na ang mga ito, tulad ng unang napaulat.