AABOT sa 30 taon bago masugpo ang African Swine Fever (ASF) sa bansa, ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Noel Reyes.
Aniya, nagsisimula na silang gumawa ng mga hakbang para makontrol ang pagkalat ng ASF na nagsimula noong 2019.
Sinabi ni Reyes na pagtutuunan din ng pansin ng ahensiya ang bio security measures kung saan may social distancing ang mga baboy, pagsusuotin ng personal protective equipment (PPE) ang mga hog raiser at kailangan ding may disinfectant sa kanilang mga kulungan.
Kinakailangan din, aniya, na may electrocuted fences sa mga babuyan upang hindi makapasok ang daga na itinuturing na carrier ng virus.
Dagdag ni Reyes, maisasagawa lamang ang mga hakbang na ito kung makikipagtulungan ang mga barangay at lokal na pamahalaan, gayundin ang mga hog raiser at trader sa DA.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DA sa local veterinary companies at colleges kung saan magbibigay ng incentives ang ahensiya sa makakapag-develop ng bakuna kontra ASF.
Samantala, magbibigay ng ayuda ang gobyerno para sa repopulation program upang masugpo ang pagkalat ng ASF na aabot sa P1.6-bilyon para sa backyard raising. DWIZ 882
12565 438683An very fascinating go by means of, I might not concur entirely, nevertheless you do make some actually legitimate factors. 273444