(Ayon sa DA chief) SRP SA BIGAS ‘DI KINOKONSIDERA

KUMAMBIYO ang Department of Agriculture (DA) sa naunang pahayag nito na kinokonsidera nito ang pagpapataw ng  suggested retail prices (SRPs) sa bigas.

“We’re not doing it. Prices of rice and other agricultural products in international markets like Thailand and other countries are volatile and fluctuating due to El Niño. Hence, we’re not suggesting to control prices at the moment,” pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. sa isang statement.

Noong weekend ay sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na gumagawa na ng hakbang ang ahensiya kaugnay sa SRPs sa bigas, kabilang ang konsultasyon sa industry players at stakeholders.

Bilang paglilinaw, sinabi ni Laurel na ang mga naunang panukala para sa SRP sa bigas ay “isang ideya lamang base sa available remedies ayon sa  Republic Act 7581 o ang Price Act.”

Ang pahayag ng DA hinggil sa SRP sa bigas ay kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority’s (PSA) na bumilis ang rice inflation sa pinakamabilis na rate nito sa loob ng 14 taon sa 19.6% noong nakaraang Disyembre.

Ito ang pinakamabilis na  inflation print para sa bigas magmula noong Marso 2009, nang maitala ang rice inflation sa 22.9%.

“I’m well aware that setting retail prices, even if just suggested, for particular goods tend to be counterproductive, especially when there is ample supply,” ani Laurel.

“In most cases, farmers bear the brunt of a price limit because traders will only lower their purchase prices to keep their margins. Consumers also don’t benefit in such a situation. It could also fuel price speculation and supply hoarding that evolves into another problem altogether,” dagdag pa niya.