(Ayon sa DA) EL NIÑO HINDI MAAAPEKTUHAN ANG BUONG BANSA

NILINAW ng Department of Agriculture (DA) na hindi buong bansa o lahat ng lugar sa Pilipinas ang maaapektuhan ng El Niño phenomenon.

Ito’y sa gitna ng ginagawang paghahanda ng 17 ahensiya ng gobyerno sa inaasahang epekto ng El Niño sa bansa, partikular sa mga lugar ng Western Luzon.

Ayon kay Agriculture Director U-Nichols Manalo, tututukan ng kagawaran ang naturang mga rehiyon pati na rin ang mga magsasaka at mangingisda na pinakamaaapektuhan ng panahon ng tagtuyot.

Ngunit paglilinaw niya na lahat ay ibabase sa siyensiya gaya na lamang ng pagsasagawa ng cloud seeding dahil may mga konsiderasyon na dapat isaalang-alang bago magkasa nito.

Kasabay nito, tiniyak ni Interior and Local Government Director Edgar Allan Tabell na bibigyan ng kaukulang technical assistance ang mga local government unit gaya na lamang ng sapat na personnel at mga pagsasanay upang mapaghandaan ang epektong dulot ng El Niño.

-DWIZ 882