(Ayon sa DA) P20 KADA KILONG BIGAS MALABO PA

rice

MATAGAL pang panahon bago mangyari ang P20 kada kilong bigas, ayon sa isang opisyal ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni DA Undersecretary Mercedita Sombilla na ang P20 kada kilong bigas, na ipinangako ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. noong kampanya, ay maaaring mangyari kapag bumuti ang produksiyon ng bigas.

“As of now, parang hindi pa natin iyan ma-a-achieve. But you know, in the long run, kapag talagang gumanda ang ating productivity – and that is what DA is really aiming for ‘no, the government is aiming for,” sabi ni Sombilla.

Posible naman aniyang mangyari ito subalit matatagalan pa dahil sa nangyayari ngayon tulad ng pagtaas ng presyo ng fertilizer at langis, gayundin ng El Niño at sunod-sunod na mga bagyo.

Ang administrasyong Marcos ay patuloy na nagsisikap para mapababa ang presyo ng bigas sa hanggang P20 kada kilo.