NILINAW ng Department of Agriculture (DA) na walang oversupply ng highland vegetables.
Ito ay matapos kumalat ang isang video kung saan makikitang itinapon sa isang bangin ang tone-toneladang repolyo sa Tinoc, Ifugao.
Sa katunayan, mayroon pa ngang bahagyang pagbaba sa produksiyon nito noong nakaraang taon, ayon kay Agriculture Spokesperson Arnel de Mesa.
Aniya, walang dumaang bagyo sa bansa noong last quarter ng 2023 kaya mas marami ang naaning gulay.
Dagdag pa ng opisyal, kakaunti lang ang buyers na umakyat sa La Trinidad Vegetable Trading Post sa Benguet sa unang tatlong araw ng taon.
Pagtitiyak ni De Mesa, kasalukuyan nang nagno-normalize ang sitwasyon dito.
DWIZ 882