ITINUTURING nang krisis ng Department of Energy (DOE) ang sitwasyon ng suplay ng koryente sa bansa.
Ito’y dahil sa serye ng red at yellow alert status sa Luzon at Visayas sa gitna ng matinding init ng panahon.
Kaugnay nito, inihalintulad ni Energy Secretary Raphael Lotilla sa ‘kalamidad’ ang sitwasyon ng power supply sa bansa.
Ayon naman kay DOE Undersecretary Rowena Guevara, bagama’t hindi aabot ngayong tag-init, maraming bagong planta ang magbubukas ngayong taon na may kapasidad na mahigit 4,000 megawatts.
Dahil dito, kampante si Secretary Lotilla na hindi na mauulit ang serye ng red at yellow alert status sa 2025.
DWIZ 882