(Ayon sa DOH) PANDEMYA ISA O DALAWANG TAON PA

SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na posibleng tumagal pa ang nararanasang pandemya sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa 2022 budget ng Department of Health (DOH) ay nai-tanong ni Marikina Rep. Stella Quimbo kay Duque kung magtatagal pa ang COVID-19 pandemic.

Tugon ni Duque sa kongresista na malamang ay aabutin pa ng isa hanggang dalawang taon ang pandemya, batay na rin sa pagtaya ng World Health Organization (WHO) at ng mga health expert.

Nababahala naman si Quimbo na kung magtatagal pa ang pandemya ng isa hanggang dalawang taon at may banta pa ng Delta variant ay posibleng kulangin ang pondo ng DOH para sa COVID-19 response sa 2022 na nasa P19.6 billion lamang.

Kung titingnan, aniya, sa ilalim ng Bayanihan 1 ay may pondo para sa pagtugon sa pandemya mula March 2020 hanggang June 2021 na aabot sa P160 billion o katumbas ng P11.4 billion sa kada buwan kaya naman tiyak na kulang ang proposed COVID response fund ng DOH sa susunod na taon.

Itinuro naman ni Duque ang Department of Budget and Management (DBM) na kinaltasan ang kanilang pondo sa COVID-19 response na may orihinal na pondo na P73.99 billion.

Ang ginawa rin aniyang pagtapyas sa pondo ang isa sa dahilan kaya wala ring alokasyon sa 2022 para sa special risk allowance (SRA) ng mga health care worker.

Pinagsusumite naman ni Quimbo ang DOH ng listahan nito, partikular sa pagtugon sa pandemya para mairekonsidera ng Kamara.

Aabot sa P242.22 billion ang pondo ng DOH sa 2022. CONDE BATAC

110 thoughts on “(Ayon sa DOH) PANDEMYA ISA O DALAWANG TAON PA”

  1. 466937 472043This web site is really a walk-through it actually may be the information you desired relating to this and didnt know who ought to. Glimpse here, and you will undoubtedly discover it. 823631

Comments are closed.