(Ayon sa ECOP)PISO VS DOLYAR MANANATILING MATATAG

PISO-DOLLAR-3

MAAARING hindi mag- karoon ng paggalaw sa peso-dollar exchange rate, ayon sa Employers Confederation of the Philippines

Sinabi ni ECOP president Sergio Ortiz Luis na mananatili sa estado ang palitan ng piso kontra dolyar at kung magkakaroon man ito ng paggalaw ay hindi ito gaano kalaki.

Ito’y kahit na, aniya, tumaas ang inflation rate noong nakaraang buwan na pumalo sa 8%.

Bukod dito, napakalaking parte rin dito ang halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

Nakadagdag pa rito ang girian sa pagitan ng Russia at ng Ukraine na nauwi pa sa sanction laban sa suppliers na lalong nagpahigpit sa suplay ng langis.

DWIZ 882