AABOT sa tatlong milyong metriko toneladang bigas ang kailangang angkatin ng Pilipinas sa susunod na taon.
Sa gitna ito ng nararanasang shortage sa bigas dulot ng mababang antas ng produksiyon at mataas na pagkonsumo ng pagkain.
Batay sa pagtataya ng Federation of Free Farmers (FFF), magiging negatibo ang stock ng bigas sa ikatlong quarter ng susunod na taon sa 427,000 tonelada.
Sakaling tumaas ang produksiyon ng bigas, aabot lamang ito ng 321,000 tonelada na mabuti para sa siyam na araw lamang.
Matatandaang una rito, sinabi ng United States Department of Agriculture na inaasahan nilang mag-aangkat ng mas maraming bigas ang Pilipinas hanggang kalagitnaan ng 2023, sa gitna ng mataas na halaga ng mga pataba at pananalasa ng Super Typhoon Karding sa Luzon noong huling bahagi ng Setyembre.
DWIZ 882