YES, si Brad Pitt ang magwawaging Best Actor winner sa Oscars Awards sa Feb. 9 ayon sa fearless forecast ni Arsy Grindulo, Jr., Fil-Am producer ng Hollywood award-winning sci-fi horror suspense thriller na “Ascension” due for release in local theaters soon.
Incidentally, ang pelikula ni Brad Pitt na “Once Upon A Time In Hollywood” ay nanalo pareho ng Best Actor para kay Brad at Best Director naman para kay Quintin Tarantino kasabay sa “Ascension” na nanalo rin bilang Best Independent Film Category sa Los Angeles National Film & TV Awards (NFTVA) 2019.
Napakahalaga para kay prodyuser Arsy Grindulo, Jr. ang unang produksyon niya na “Ascension” dahil sa nagwagi na ito ng halos 15 awards sa iba’t-ibang int’l. awards abroad and still counting. Dahil dito nagawaran siya ng Gawad Amerika kasabay ang King of Talk na si Boy Abunda.
Magkakaroon ng Grand Phil Premiere ang “Ascension” sa Cine Adarna ng UP Film Center under the auspices of the Kapisanan Ng Mga Direktor Ng Pilipinas (KDPP) courtesy of its President William G. Mayo.
Let’s see to that!
CLUB MWAH NUMBER ONE PA RIN SA BROADWAY PRESENTATION
NAIMBITAHAN kami lately sa isang special show ng Club Mwah sa Mandaluyong City ng Vice Pres./Executive Producer nito na si Pocholo P. Malillin na dating empleyado ni Ricky Reyes thru his press agent Robert Silverio.
Made to recall his days with Ricky Reyes, sabi ni Pocholo: “All those exploitative days are behind me now.” Whatever he meant by that si Pocholo lang ang nakaka-alam hahaha! Loaded statement ‘yun. Almost 3 decades na ang Club Mwah at sila pa rin ang number one accredited entertainment theater bar operator ng Dept. of Tourism when it comes to show- stopping ala-Broadway live performances in this country.
Ito rin ang perfect venue for business meetings and party place for all occasions.
If you watch Club Mwah shows (Fridays & Saturdays) it is like you are transported to the magical land of Las Vegas show girls and Broadway world of USA, sabi pa ng isang balikbayan friend ng Phil. Movie Press Club (PMPC) na si Rudy Jackson known for giving away exotic, delicious isdang bagoong as Christmas gift.
Incidentally, magkakaroon ng farewell party si Rudy Jackson, ang dating pamosong gay bar operator if you still don’t know, in the 70s & 80s sa place niya sa P. Campa St., Sampaloc, Manila, on Feb. 9 sa gabi kung saan siya ay magpapalabas ng bonggang-bonggang production numbers like he used to showcase as operator of Manila’s top gay bars.
Tatalbugan pa yata niya ang Oscars awards rites on the same date. Réunion din daw niya ito bago siya bumalik sa Amerika para sa mga close friend niya tulad nina Pocholo, Danny dela Cuesta, friends from the PMPC like Boy Romero, Jimmy Escala, Roldan Castro, Direk Ronald Rafer, etc.
Von voyage again, dear friend, Rudy Jackson!
Comments are closed.