(Ayon sa Forbes) OSAKA HIGHEST-EARNING FEMALE ATHLETE

NANGUNA si Naomi Osaka ng Japan, isang four-time Grand Slam tennis champion, sa listahan ng world’s highest-paid female athlete na inilabas ng business magazine Forbes nitong Huwebes.

Si Osaka ay nakalikom ng $57.3 million na prize money at endorsements noong nakaraang buwan, kung saan halos lahat sa mga ito ay nagmula sa endorsement portfolio na nadagdagan ng mahigit 10 brand partners sa nakalipas na isa’t kalahating taon.

Ang listahan ay inilabas makalipas ang isang taon kung kailan umatras si Osaka sa French Open upang mag-focus sa kanyang mental health sa gitna ng public row sa mandatory press conferences sa Grand Slam.

Sumunod kay Osaka sina fellow tennis players Serena Williams (45.9 million) at older sister Venus ($11.3 million). Ang iba pa sa top 5 ay sina American gymnast Simone Biles ($10.1 million) at Spanish tennis player Garbine Muguruza ($8.8 million).

Ang mga tennis player ang bumubuo sa kalahati ng 10 spots sa listahan, na ayon sa Forbes ay  pinakamababang tally ng sport sa loob ng mahigit isang dekada. Noong 2019 ay kinuha nito ang lahat ng 10.

Kung pagsasama-samahin, ang 10 highest-paid female athletes ay kumita ng kabuuang $166.6 million, na ayon sa Forbes ay tumaas ng 23% mula sa 2020 list nito.

Ang iba pang players sa top 10 ay sina South Korean golfer Ko Jin-young ($7.5 million), Indian badminton player P.V. Sindhu ($7.2 million), world number one tennis player Ash Barty ($6.9 million), golfer Nelly Korda ($5.9 million) at basketball player Candace Parker ($5.7 million).