(Ayon sa Forbes)MANNY VILLAR PINAKAMAYAMAN PA RIN SA PINAS

MANNY VILLAR-2

NANATILING pinakamayaman sa Pilipinas si dating Senate president at real estate mogul Manny Villar na may net worth na $8.6 billion o tinatayang P467 billion, batay sa 37th annual ranking ng Forbes sa pinakamayayaman sa buong mundo.

Ang 73-year-old businessman, na siya ring chairman ng Vista Malls (dating Starmalls), isa sa pinakamalaking mall operators sa bansa, ay 232nd richest sa mundo sa global list na pinangunahan ni luxury goods tycoon Bernard Arnault na may $211-billion net worth.

Tinukoy ng Forbes ang stake ni Villar sa Golden MV Holdings bilang pinakamalaki niyang asset.

Ito ang ika-5 sunod na taon na si Villar ang pinakamayamang Pilipino sa listahan, kasunod ng pagpanaw ni Henry Sy Sr. ng SM Group noong 2019.

Si Villar ay sinundan ni International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) chair Enrique Razon Jr. , na may $7.3-billion net worth, upang maging 312th richest person sa mundo.

Pumangatlo si San Miguel Corp. CEO and president Ramon Ang sa Pilipinas at 852nd sa buong mundo, na may tinatayang net worth na $3.4 billion o P184 billion.

Sumunod si SM Investments Corp. (SMIC) co-vice-chairman Henry Sy, Jr. kung saan 1,217th richest siya sa buong mundo na may $2.5-billion net worth.

Nakatala rin si Alliance Global Inc.(AGI) chair Andrew Tan bilang world’s 1,217th richest na may $2.5-billion net worth, kung saan ang kanyang kompanya ay may kinalaman sa food, beverage, gaming, at real estate.

Nasa listahan din si Hans Sy at ang kanyang kapatid na si Herbert Sy na kapwa ranked 1,272nd na may tig- $2.4 billion, kasama si tobacco at property magnate Lucio Tan na nasa parehong puwesto na may $2.4 billion net worth.

Sinundan sila ng magkapatid na Harley Sy at Teresita Sy-Coson sa 1,368th na may tig-$2.2 billion. Ang dalawa ay kapwa kasalukuyang executives ng SM Group na pinasimulan ng kanilang ama. Ang kanilang kapatid na si Elizabeth Sy ay ranked 1,575th na may $1.9 billion.

Nasa 2,020th naman si Lance Gokongwei, ang nag-iisang anak na lalaki ni late John Gokongwei Jr., na may $1.4 billion. Siya ang kasalukuyang president and chief executive officer ng JG Summit Holdings Inc., na may interests sa food, real estate and hospitality, air transportation, banking, at petrochemicals.

Nasa listahan din si Jollibee Foods Corp. (JFC) chairman at founder Tony Tan Caktiong na ranked 2,259th na mayb$1.2 billion net worth. Kabilang sa kanyang negosyo ang Chowking, Greenwich, Red Ribbon, Mang Inasal, Burger King, Dunkin’ Donuts, at The Coffee Bean & Tea Leaf,

Balik sa listahan si Iñigo Zobel na may $1-billion net worth upang maging 2,540th richest sa buong mundo.