(Ayon sa ILO) 2.2M WORKERS NAAPEKTUHAN KAY ‘ODETTE’

NASA 2.2 milyong manggagawa ang direktang naapektuhan ng bagyong Odette na nanalanta sa Visayas at Mindanao noong nakaraang Disyembre.

Base ito sa rapid impact assessment na isinagawa ng International Labor Organization (ILO).

“Amongst the regions hardest hit were Western Visayas that saw 21% (672,000) of the workforce affected, Eastern Visayas with 19% (343,000); and Central Visayas with 18% (643,000),” ayon sa ILO.

Samantala, sa Caraga ay halos one-third ng buong workforce ng rehiyon (363,000) ang naapektuhan.

Sinabi ng ILO na pininsala ng bagyo ang milyon-milyong buhay at kabuhayan at naging malaking dagok sa socio-economic recovery ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

“Following the onslaught of the typhoon, the United Nations called the impact ‘a crisis within a crisis’ since the country is barely recovering from the pandemic, and currently addressing a spike in cases,” sabi pa ng ILO.

Sa rapid assessment ng ILO, halos 38% o 839,000 ng kabuuang apektadong manggagawa ay kababaihan.

Bago ang bagyo, sinabi ng ILO na nasa tatlp hanggang limang apektadong women workers ay nasa low paid jobs, karamihan ay sa  agriculture, wholesale at  retail trade o domestic work.

Kabilang din sa labis na naapektuhan ang mga bata at nakatatandang manggagawa.

Ayon sa ILO, ang rapid assessment ay base sa impormasyong inilalabas araw-araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ni ‘Odette’, sa baseline data mula sa Philippines Statistics Authority (PSA) 2020 Population Census at sa pinakabagong quarterly national labor force surveys.