(Ayon sa Immigration) HUMAN TRAFFICKING GLOBAL THREAT NA

NANINIWALA ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na kinakailangan ng matinding pagtutulungan upang maresolba ang tinaguriang Global threat sa isyu ng human trafficking.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na kinakailangan ng pagtutulungan ng BI at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) upang masawata ang pang-aabuso at talamak na human trafficking na daan daang inosenteng indibidwal ang nabibiktima.

This problem is both severe and complex,” ayon kay Tansingco. “Hence there is a need for collaborative efforts between law enforcement agencies, non-governmental organizations, intelligence units, and the private sector,” dagdag pa nito.

Ayon sa INTERPOL, ang modus operandi ng human trafficking ay nagbago na mula sa regional crime phenomenon hanggang sa humantong na sa global threat.

Ang mga biktima ay na-eenganyo sa mga job advertisement sa online at sa huli ay nai-scam hanggang sa nauuwi sa criminal activities.

Dahil dito, ang mga biktima ng trafficking ay humahantong sa forced labor, extortion, physical at sexual exploitation, at maging sa organ harvesting.

Ayon sa BI, naalarma na sila sa bagong modus operandi ng human trafficking kung saan mga kabataang professional na ang na-eenganyo.

“This is something we see almost every day,” ayon kay Tansingco. “Professionals coming from good backgrounds being victimized by this huge syndicate. We have sounded the alarm on this since last year, and INTERPOL has already acknowledged that this is a major concern. Aspiring overseas workers should be wary of job offers received online, and only go through legal means to work abroad,” dagdag pa nito. PAUL ROLDAN