(Ayon sa isang economist) 6%-7% GDP GROWTH TARGET KAYA PANG MAKAMIT

GDP-UP

MAAARI pang matamo ang 6 hanggang 7 percent economic growth target ngayong taon, ayon sa isang economist.

“[It’s] still possible,” pahayag ni Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) chief economist Michael Ricafort sa Philippine News Agency (PNA).

Aniya, kailangang taasan ang government spending at pababain pa ang inflation.

Ang economic growth ng bansa ay bumagal sa 4.3 percent sa second quarter ng taon mula sa 6.4 percent sa first quarter.

Ang pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng bansa ay dahil sa epekto ng interest rate hikes, inflation, at pagbagal sa government spending.

Para makamit ang growth target ngayong taon, sinabi ni Ricafort na maaaring makatulong ang pamahalaan sa pagpapalakas pa ng paggamit sa budget, lalo na ng underspending agencies.

“Also, other than the government underspending, there is also a need to further lower inflation since these have been a drag on spending, especially consumer spending, whose share of GDP (gross domestic product) shrank to 68.8 percent versus 75 percent in the previous quarter,” ani Ricafort.

Tinukoy rin niya ang pangangailangan na ibaba ang policy rates sa huli dahil nakaaapekto rin ang mataas na interest rates sa investments.

Itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang policy rates ng kabuuang 425 basis points dahil sa mataas na inflation.

Ang inflation, na umabot sa 8.7 percent noong Enero, ay bumagal na sa 4.7 percent noong July.

Sa hiwalay na statement, sinabi ni Ricafort na sa darating na quarters, ang ekonomiya ay maaaring lumago ng 5 hanggang 6 percent.

“The 4.3 percent GDP growth in second quarter 2023, the slowest since first quarter of 2021, could mathematically be the slowest for 2023 due to the relatively much higher base after the presidential, national, and local elections a year ago given the one-time nature of election-related spending that is absent this year,” aniya.

“For the coming quarters of 2023, GDP growth could normalize more sustainably at the 5%- 6% levels, in view of the continued normalization of (the) GDP base,” dagdag pa niya.

-(PNA)