INAASAHANG tataas pa ang employment rate sa mga darating na buwan dahil ang demand para sa Christmas season ay makatutulong sa paglikha ng mga karagdagang trabaho, ayon sa isang ekonomista.
“The pick up in manufacturing and other production activities in preparation for the seasonal increase in demand for the Christmas season could have improved the latest employment data,” pahayag ni Rizal Commercial Banking Corporation chief economist Michael Ricafort sa isang Viber message sa Philippine News Agency.
Hanggang Agosto ngayong taon, ang bilang ng mga Pinoy na may trabaho ay tinatayang nasa 49.15 million.
Ang employment rate ay nasa 96 percent, tumaas mula 95.6 percent sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang September 2024 employment data ay ilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Miyerkoles.
“The seasonal increase in hiring [will] help boost employment opportunities in preparation and during holidays especially in the services and retail sectors,” ayon kay Ricafort.
“Easing inflation trend would fundamentally help boost economic and other business activities, thereby would also help increase employment.”
Aniya, ang hakbang ng US Fed at ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ibaba ang key interest rates ay magpapataas sa demand para sa loans, magpapalakas sa bagong investments at iba pang expansion projects, magpapataas sa exports at imports, at magpapalakas sa sales at production na lilikha ng mga karagdagang trabaho.
ULAT MULA SA PNA