NILINAW ng Land Transportation Of- fice (LTO) na hindi pinahihintulutan ang mga law lenforcer at kanilang deputized agents na kumpiska- hin ang plaka ng mga sasakyan na lumala- bag sa batas-trapiko.
Ginawa ng LTO ang pahayag sa gitna ng mga reklamo mula sa ilang motorista na kinumpiska ng mga awtoridad ang kanilang plaka.
Sinabi ng ahensiya na nagpalabas si LTO Chief Jay Art Tugade ng memorandum sa pagbabawal na ito.
Base rin umano ito sa Joint Administrative Order (JAO) No. 2014-01.
“In all cases where the penalty includes the confiscation, suspension or revocation of a driver’s license or student permit as well as the suspension or revocation of the registration of a motor vehicle or impounding the motor vehicle, and the same cannot be immediately implemented, the driver’s license, the student permit, or motor vehicle as the case may be shall be put on alarm until the proper penalty may be implemented,” nakasaad sa memorandum.
Ayon pa sa memorandum, hindi dapat kumpiskahin ng LTO enforcers at deputized agents ang mga plaka maliban kung ang nahuling sasakyan ay naka-impound.
“To avoid further confusion, all LTO enforcement personnel and its deputized agents shall be prohibited from confiscating motor vehicle license plates in lieu of the physical impoundment of the apprehended motor vehicles.”