ANG MGA magsasaka at mangingisda ang pinakamahihirap na tao sa Pilipinas, ayon sa National Anti-Poverty Commission.
Sinabi ng NAPC na ito’y kasunod ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hanapin ang pinakamahihirap na komunidad.
Kaugnay nito, nagkaroon ng mga diskusyon at talakayan tungkol dito at nakita na ang mga pinakamahihirap na sektor sa bansa ay ang mga magsasaka at mangingisda.
Binanggit din ni NAPC Secretary Lope Santos ang mga katutubo at mga taong naninirahan sa mga lugar na may kaguluhan bilang kabilang sa mga mahirap na namumuhay.
DWIZ 882