PINAG-AARALAN ng National Food Authority (NFA) na alisin na ang rebagging policy o huwag nang balutin ng NFA sacks ang mga nabibiling palay sa mga magsasaka.
Ayon kay NFA administrator Larry Lacson, malaki ang matitipid ng ahensiya sa sako at handling costs kung hindi na nito ire-rebag pa ang mga nabibiling palay.
Katunayan, sa tantya ng opisyal, posibleng umabot sa halos kalahating bilyong piso ang matitipid dito ng NFA.
Paliwanag ni Lacson, walang magiging problema rito basta tama ang specifications sa mga sako ng mga magsasaka.
Una nang sinabi ng NFA na itutulak nito ang mas epektibong mga reporma upang maiwasan ang korupsiyon at mapabuti ang mga estratehiya bilang tugon sa pambansang buffer stock kasabay ng suporta sa mga lokal na magsasaka.
PAULA ANTOLIN