(Ayon sa OCTA survey) 64% NG PINOYS NANINIWALANG NASA TAMANG DIREKSIYON ANG PH

MAYORYA ng mga Pinoy ang naniniwalang patungo sa tamang direksiyon ang bansa sa ilalim ng administrasyon ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research.

Base sa Tugon ng Masa survey na isinagawa noong  Dec. 10 hanggang 14, 64 percent ng Filipino adults ang nagsabing patungo sa tamang direksiyon ang Pilipinas base sa mga polisiya at programa na ipinatupad ng kasalukuyang administrasyon, habang 21 percent naman ang hindi naniniwala.

“The percentage of adult Filipinos who think that the country is headed in the right direction increased from 62 percent last October 2023 to 64 percent in December 2023,” ayon sa OCTA.

Sinabi ng OCTA na ang two-percentage point increase sa mga Pinoy na naniniwalang patungo sa tamang direksiyon ang bansa ay unang pagkakataon na naobserbahan ang pagtaas sa positive outlook sa trajectory ng bansa magmula noong October 2022.

Sa major areas, ang highest percentage ng mga Pinoy na naniniwala na iginigiya ng Chief Executive ang bansa sa tamang direksiyon ay naitala sa Metro Manila sa 81 percentage, habang ang lowest percentage ay sa Balance Luzon sa 57 percent.

Pagdating sa socioeconomic classes, sinabi ng pollster na ang Class ABC ay nagtala ng  highest agreement na ang bansa ay nasa tamang direksiyon sa 76 percent.

“On the other hand, 38 percent of those under Class E had pessimism regarding the Philippines’ direction,” ayon pa sa OCTA.

Ang survey ay isinagawa sa 1,200 respondents at may  ±3 percent margin of error sa 95 percent confidence ­level.  (PNA)