(Ayon sa Oxford study) MAYNILA PASOK SA TOP 300 BEST SOUTHEAST ASIAN CITIES

PUMASOK ang City of Manila sa mga Top 300 Best Cities sa Southeast Asia, ayon sa Oxford Economics Global Cities Index 2024.

Nasa ika-256 na pwesto ang Manila na sumunod sa Bangkok, Thailand, Kuala Lumpur sa Malaysia at Singapore City.

Naungusan ng Manila ang ilang mga kilalang syudad sa Southeast Asia tulad ng Ho Chi Minh City at Hanoi, Vietnam at ng Jakarta sa Indonesia.

Pumasok din sa listahan ang Cebu City na nasa ika-436 na pwesto na sinundan ng Cagayan de Oro (487th), Davao (500th), Angeles (502nd), Bacolod (538th), Dagupan (604th), Zamboanga City (695th) at General Santos city (723rd).

Tinukoy ang listahan base sa kalidad ng buhay sa lungsod, pamumuno ng lokal na pamahalaan, kapasidad sa pagpapanatili ng maayos na kapaligiran at dami ng tao.

RUBEN FUENTES