(Ayon sa PAGASA) MAS MAINIT NA PANAHON TATAGAL HANGGANG MAYO

MARARANASAN pa ang mas matinding init ng panahon hanggang kalagitnaan ng Mayo ngayon taon.

Ayon sa PAGASA, ito’y matapos maitala ang mataas na heat index o init ng panahon nitong Miyerkules.

Batay sa highest heat index na inilabas ng Weather Bureau umabot sa lampas na 40 °C sa Camarines Provinces, Palawan, Cavite City, at Zamboanga City ang temperatura.

Habang ang Dagupan City naman sa Pangasinan ay nakapagtala ng 44ºC heat index.

Sinabi pa ni PAGASA Weather Specialist Benison Estareja, nagtala ang Metro Manila ng 40-41°C heat index nitong Huwebes.

Ang mga lugar na nakakaranas ng heat index mula 42°C hanggang 51°C ay posibleng magkaroon ng heat cramp at heat exhaustion at may posibilidad rin na magka-heat stroke ang sinumang indibidwal kung patuloy ang pagkakalantad sa init. P ANTOLIN