(Ayon sa PNP) KASONG INIHAIN VS VP SARA WALANG BAHID POLITIKA

“The law applies to all, otherwise, none at all!”

Ito ang iniwang ka­taga ng dating pulis, alkalde at Senador Alfredo Lim upang ipakita na “no one is above the law. ”na naging basehan ng Philippine National Police (PNP) sa pagsampa ng kaso laban kay Vice President Sara Duterte at ilang kasama nito.

Ayon sa pamunuan ng PNP, hindi “politically motivated” kung hindi pagtalima lamang sa kanilang mandato, ayon sa Saligang Batas na pairalin ang batas sa sinuman, anuman ang status, rank or affiliation.

Nitong nakalipas na Linggo, sinampahan ng kaso ng isang police doctor si VP Sara Duterte at pinuno ng kanyang security detail, at ilang iba pa kaugnay sa nangyari kaguluhan sa Veterans Memorial Me­dical Center (VMMC) nang puwersahan nilang ilipat ang Chief of Staff ng bise presidente sa St Lukes Hospital.

Inakusahan ng complainant sina Duterte, Army Col. Raymund Dante Lachica, VP head security ng ‘unlawful acts related to the alleged assault, disobedience, and coercion’ makaraanf sapilitan nilang ilipat si Zuleika Lopez sa VMMC mula sa House of Representatives Detention Center.

Sinasabing tinulungan ng mga kasapi ng security detail ni VP Sara sa puwersahang paglilipat ni Lopez mula VMMC patungong  St. Luke’s Medical Center gamit ang  private ambulance.

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, mandato ng pambansang pulis na pairalin ang batas ng walang pinapaboran o kinatatakutan.

“If we do not file cases against those accused, what will people say? Takot ang pulis, pang mahirap lang ang pangil ng batas,” ani Marbil.

VERLIN RUIZ