HALOS lahat ng Filipino adults, o 92 percent, ang nagsabing may pag-asa sila sa susunod na taon, ayon sa survey ng Pulse Asia kamakailan.
Lumabas sa survey na isinagawa noong Disyembre 3 hanggang 7 na 1 percent lamang ang haharap sa 2024 na walang pag-asa, habang 7 percent ang “neither hopeful nor without hope” sa papasok na taon.
“Amidst the various challenges Filipinos face on a daily basis, most of them continue to remain optimistic, with 92% saying they will face the new year with hope. This is the prevailing sentiment in every geographic area and socio-economic grouping,” pahayag ng Pulse Asia sa kanilang report.
Siyamnapu’t limang porsiyento ng mga respondent mula sa Visayas ang nagsabing may pag-asa sila, 94 percent sa Balance Luzon, 92 percent sa National Capital Region, at 84 percent sa Mindanao.
Lumabas din sa parehong survey na 41 percent ng respondents ang naniniwalang ang kanilang holiday celebrations ngayong taon ay kasing sagana noong nakaraang taon.
Nasa 30% naman ang umaasang ang kanilang pagdiriwang ngayong taon ay magiging mas masagana kumpara noong 2022.
Labing-anim na porsiyento ang nagsabi na kapareho lamang noong nakaraang taon ang paparating na holiday celebrations.
Samantala, 13 percent ang nagsabi na magiging mas mahirap ito ngayong taon kumpara noong 2022.
Ang nationwide survey ay base sa sample ng 1,200 representative adults na may edad 18 at pataas. Mayroon itong ± 2.8 percent error margin sa 95 percent confidence level.
(PNA)