(Ayon sa SWS survey) 49% NG PINOY FAMILIES MAHIRAP

mahirap

NASA 49% ng mga pamilyang Filipino ang naniniwalang mahirap sila, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa noong Abril 28 hanggang Mayo 2, 33% ang nagsabing borderline poor sila at 17% ng pamilyang Pinoy ang hindi mahirap.

Ayon sa SWS, ang resulta ngayon ay hindi nalalayo sa resulta ng survey noong Nobyembre  2020, kung saan 16% ang naniniwalang hindi sila mahirap habang 48% naman ang nagsabing mahirap sila at 36% ang borderline poor.

Ang survey ay isinagawa gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 adult Filipinos sa buong bansa.

May sampling error ito na ±3% para sa national percentages at ±6% para sa Metro Manila, Balance Luzon,  Visayas, at Mindanao.

Lumitaw pa sa survey na 30% ng pamilyang Pinoy sa Metro Manila ang nagsabing hindi sila mahirap, 31% ang naniniwalang borderline poor sila, at 39% ang mahirap.

“Metro Manila is the only area where the proportion of families feeling Not Poor fell. The proportion feeling Borderline Poor rose (from 14% to 31%), along with a decline in both the proportions feeling Not Poor and feeling Poor,” ayon sa SWS.

Sa Luzon ay 45% ng pamilyang Pinoy ang naniniwalang mahirap sila, 31% ang hindi mahirap, at 24% ang borderline poor.

Samantala, sa Visayas ay 56% ang nagsabing mahirap sila, 39% ang borderline poor, at 5% amg hindi mahirap.

Nasa 59% ang mahirap sa Mindanao, 35% ang borderline poor, at 6% rated ang hindi mahirap.

4 thoughts on “(Ayon sa SWS survey) 49% NG PINOY FAMILIES MAHIRAP”

  1. 271018 926863Superb post but I was wanting to know should you could write a litte much more on this topic? Id be quite thankful in case you could elaborate just a little bit far more. Thanks! 466610

Comments are closed.