MAYORYA ng mga Pilipino o 69 % ang nagsabing nahihira- pan silang maghanap ng trabaho ngayong panahon.
Batay ito sa survey ng Social Weather Sta- tions (SWS) noong un- ang quarter ng taon.
Sa naturang survey, 11% ang nagsabing ma- dali ang paghahanap ng trabaho ngayon habang 16% ang alanganin at 4% ang walang reaksiyon.
Ipinunto rin ng SWS sa survey results na mahirap na ang paghahanap ng trabaho simula pa noong 2011.
Samantala, 50% naman ang naniniwalang mas marami pang trabaho ang magiging available sa susunod na taon.
Ang March survey ay isinagawa sa faceto-to-face interview sa 1,200 Filipino re- spondents na may edad 18 at pataas sa buong bansa.
May sampling error margin ito na ±2.8%.