HALOS lahat ng mga Pinoy, o 96 percent, ang sasalubong sa Bagong Taon na may pag-asa, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong Huwebes.
Ito ang pinakamataas na naitala magmula noong pre-pandemic noong 2019.
Sa resulta ng Dec. 8-11 survey ay lumabas na ang mga positibong sasalubungin ang bagong taon ay mas mataas ng isang puntos sa 95 percent na naitala noong nakaraang taon at ang pinakamataas magmula nang maitala ang pre-pandemic 96 percent noong 2019.
Samantala, 3 percent ang nagsabing sasalubungin nila ang 2024 na may pangamba, bumaba ng 2 points mula 5 percent noong 2022.
Ang positibong sasalubungin ang Bagong Taon ay pinakamataas sa mga respondent sa Metro Manila at Balance Luzon sa 97 percent, kasunod ang Mindanao sa 96 percent, at Visayas sa 93 percent.
Sinabi ng SWS na ang New Year hope sa pagtatapos ng 2023 ay bahagyang tumaas sa lahat ng educational levels kumpara noong 2022: mula 92 percent sa 93 percent sa hanay ng non-elementary graduates, mula 95 percent sa 97 percent sa elementary graduates, mula 95 percent sa 96 percent sa junior high school graduates, at mula 96 percent sa 98 percent sa college graduates.
Ang survey ay isinagawa gamit ang face-to-face interviews sa 1,200 adults na may edad 18 years old and above sa buong bansa: tig-300 sa Metro Manila, Balance Luzon (Luzon sa labas ng Metro Manila), Visayas, at Mindanao.
Ang sampling error margins ay ±2.8 percent para sa national percentages, at tig-±5.7 percent sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
(PNA)