(Ayon sa UBRA) FARM GATE PRICE NG MANOK BUMABA NA

BUMABA na ang presyo ng manok sa mga poultry farm.

Ito ang inihayag ng United Broilers Raisers Association o UBRA sa panayam ng DWIZ dahil sa matumal na bentahan at pagdami ng suplay bunsod ng gumagandang performance ng manukan.

Ayon sa UBRA, nasa P20 ang ibinaba ng presyo sa farm gate kaya nalulugi na ang mga nag-aalaga ngayon.

Tutol din ang grupo sa paglalagay ng retail price o suggested retail price (SRP) sa ilang produkto ng manok dahil sa taas-baba na presyo nito.

Samantala, humingi ang grupo ng pang-unawa sa publiko lalo na ngayon na nalalapit na ang ‘ber’ months dahil hindi pa rin bumabalik sa demand conditions noong bago magpandemya ang suplay.
DWIZ 882