(Ayon sa UBRA) MANOK ‘DI GAANONG APEKTADO NG BIRD FLU

HINDI gaanong apekto ng bird flu ang lokal na produksiyon ng manok.

Ito ay ayon kay Atty Jose Elias Inciong, pangulo ng United Broilers Raisers Association (UBRA).

Ayon kay Inciong, ang mga pugo at itik ang karamiwang tinatamaan ng bird flu ngayon,
partikular na ang nasa malapit sa wet lands na pinupuntahan ng migratory birds o ang mga ibon na dumadayo.

Una nang pinalawig ng Department of Agriculture (DA) ang suspensiyon sa pagbiyahe ng live birds mula sa rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan, Gtnang Luzon at Bicol patungong MIMAROPA at Visayas at maging sa Mindanao.

Tiniyak ni Inciong na wala namang problema sa suplay ng manok sa mga pamilihan.

Sinabi ni Inciong na batay sa monitoring ng DA, tinatayang nasa P180 kada kilo ang presyuhan ng manok sa merkado kung saan may nakaimbak din umanong 24 milyong kilo ng manok sa cold storage sa buong bansa — ang kalahati ay imported habang ang kalahati ay lokal.

Inamin ni Inciong na ramdam na rin nila ang pagtaas ng demand ng manok ngayong panahon ng pangangampanya ngayong eleksiyon dahil ito ang pangunahing inihahain sa mga supporter ng ilang politiko. BETH C