NASA 34.5 percent ng mga Pilipino na may edad 15 at pataas ang may formal bank account, ayon sa global study na isinagawa ng World Bank.
Ang formal account ay tumutukoy sa mga nakalagak sa mga financial institution tulad
ng bangko, kooperatiba at microfinance institutions, kabilang ang electronic money
accounts.
Ayon sa Global Findex Database 2017: Measuring Financial Inclusion and the Fintech
Revolution, ang pinakabagong bilang ay mas mataas ng 3.2 percentage points sa 31.3 percent
na naitala noong 2014 nang unang isagawa ang pag-aaral.
“While gains are modest, the Philippines made remarkable strides in indicators pertaining
to digital payments,” wika ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa hiwalay na pahayag.
Iniulat din ng World Bank ang 6.3 porsiyentong pagtataas sa bilang ng adults na nagbayad
ng bills sa online, sa 9.9 percent noong 2017.
Samantala, ang mga nagsagawa o tumanggap ng digital payments ay naitala sa 25.1 percent,
mas mataas ng 5.6 percent sa naunang report.
“The prospects look bright as the Philippines takes deliberate
measures towards digitization,” sabi ng BSP, tinukoy ang National Retail Payment System (NRPS) nito.
Sa ilalim ng NRPS, layunin ng BSP na i-digitize ang 20 percent ng lahat ng transaksiyon sa bansa pagsapit ng 2020.
Comments are closed.