(Ayon sa World Bank) PH KABILANG SA TOP RECIPIENTS NG REMITTANCES

ANG Pilipinas ang fourth top recipient ng remittances ngayong taon, ayon sa report na World Bank.

Ayon sa World Bank’s Migration and Development Brief 39 December 2023 report, ang top five recipient countries para sa remittances ngayong taon ay ang India (USD125 billion), Mexico (USD67 billion), China (USD50 billion), Philippines (USD40 billion) at Arab Republic of Egypt (USD24 billion).

“Remittance flows to the Philippines – the largest recipient after China in the East Asia and Pacific region – are likely to reach USD40 billion in 2023, growing at over 5 percent compared to under 4 percent in 2022,” ayon sa World Bank.

Para sa 2024, sinabi ng World Bank na ang remittance flows sa Pilipinas ay tinatayang lalago ng 5 percent sa USD42 billion.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang   cash remittances mula sa overseas Filipinos ay tumaas ng  3 percent sa USD3 billion noong October 2023 mula USD2.91 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ang paglago sa cash remittances noong October 2023 ay dahil sa increased receipts mula sa land- at  sea-based workers.

Mula January hanggang October ngayong taon, ang cash remittances ay nagkakahalaga ng  USD27.49 billion, mas mataas ng 2.8 percent kumpara sa USD26.74 billion noong nakaraang taon. Ang United States ang may pinakamalaking share sa overall remittances sa nasabing panahon, kasunod ang Singapore at Saudi Arabia.

(PNA)