AYUDA IBIGAY NA SA ‘HARD LOCKDOWN AREAS’

UMAPELA si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa mga opisyal ng Quezon City na unahin at ibigay na agad ang ayuda sa mga residente nito, partikular ang nasasakop ng mga lugar na isinailalim sa hard lockdown.

Ayon sa kongresista, hindi makatwiran ang abiso na natanggap ng mga residente ng Barangay Bahay Toro na kailangan muna umanong matapos ang 14 na araw na mahigpit na quarantine sa kanilang lugar bago sila payagang magpunta sa city hall para tanggapin ang financial assistance na bigay sa kanila ng national government.

“The affected residents have more pressing need for their money while they are restricted to their homes than after the lockdown. If they cannot go to city hall because they have to stay home, city hall should bring the money to them. The funds are already available,” paggigiit ni Defensor.

Aniya, kahit limitadong bilang lamang ay maaaring sadyain ng city hall personnel ang mga lugar na inilagay sa hard lockdown para maipamahagi ang naturang ayuda.

“Our personnel should wear personal protective equipment and observe health protocols. They should be escorted by policemen. With a little imagination, city hall can deliver the national government’s ayuda safely to the quarantined residents so they would not have to wait until the end of the month,” sabi pa ng Anakalusugan party-list congressman.

Magugunita na 69 na mga lugar, na kinabibilangan ng partikular na kalye o sections ng mga kalye, neighborhoods, clusters ng mga kabahayan at buildings kung saan mayroong mga residente ang lumabas sa positibo sa coronavirus ang inilagay ng QC government sa 14-days hard lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit. ROMER R. BUTUYAN

8 thoughts on “AYUDA IBIGAY NA SA ‘HARD LOCKDOWN AREAS’”

Comments are closed.