TINIYAK kahapon ng US Embassy sa Maynila na nakahanda silang magkaloob ng tulong sa Filipinas para sa libo-libong naapektuhan ng bagyong Ompong.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na nakahandang umalalay ang US government sa Filipinas sa mga ganitong panahon ng kalamidad.
Ito ay dahil sa itinuturing nilang kaibigan ang mga Filipino at kaalyado sa mahabang panahon.
“Our thoughts are with those affected by Typhoon Ompong. The U.S., as a friend, partner, and ally of the Philippines, stands ready to assist,” ayon kay Ambassador Kim.
Nauna rito, sa pinagsama- samang ulat ng mga local disaster risk reduction office at Provincial Police office ay sinasabing umaabot sa walong milyong pinoy ang apektado ng bagyo.
Umaabot sa 126,000 ang mga residenteng kinailangang ilikas sa Northern Luzon Region 1 at 2 na silang matinding hinagupit kabilang ang Cordillera region at Calabarzon.
Sinasabing, libo-libo ang naitalang nagsilikas sa mga lalawigan sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cordillera at mga karatig pang lugar. VERLIN RUIZ
Comments are closed.