AYUDA PERSONAL NA INASISTIHAN NG DSWD

BULACAN-PERSONAL na pinuntahan ni Social Welfare Secretary Rolando Bautista ang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo sa Brgy. Lalangan sa bayan ng Plaridel sa lalawigang ito.

Inasistihan ng kalihim ang mga naturang benepisyaryo na layong matiyak na maayos na naipapamahagi ang ayuda sa mahihirap.

Ganap na alas-10 ng umaga nang dumating sa lugar si Bautista kasama ang ilang kawani ng Department Interior and Local Government (DILG) at Department of National Defense (DND).

Sa kabuuan, maayos na nasusunod ang health protocol sa pagbibigay ng cash assistance.

Ayon naman kay MSWDO Teresa Viernes, nasa 19 na barangay ang aayudahan na kung saan ay nasa ikalawang barangay na ang nabigyan.

Ang nasabing dalawang barangay ay ang Brgy. Malis sa bayan ng Guiguinto at Brgy. Lalakhan sa bayan ng Sta Maria. THONY ARCENAL

One thought on “AYUDA PERSONAL NA INASISTIHAN NG DSWD”

  1. 598610 181204Wow, incredible weblog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear easy. The overall look of your internet site is wonderful, as effectively as the content material! xrumer 827690

Comments are closed.