AYUDA PINAMBILI NG SHABU 2 BAGETS TIMBOG

LAGUNA – TIMBOG sa ikinasang Anti-Illegal Drugs Operation ng mga kagawad ng Binan City PNP Drug Enforcement Unit (DEU) ang dalawang kabataang lalaki sa Bgy. Malaban Linggo ng umaga.

Base sa ulat ni PLt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng pulisya, nakilala ang naarestong mga suspek na sina Jomar Arenas , 22-anyos at Chris Charlie Roscain, 18-anyos, pawang mga residente ng Wawa, Zone 7, lugar na ito.

Sa imbestigasyon, sinasabing nagkasa ng operas­yon ang mga tauhan ni Martinez sa lugar matapos matunugan ng mga ito ang lantarang bentahan at paggamit ng shabu.

Batay sa ulat, naaktuhang humihithit ng shabu ang dalawang suspek kasunod ang isinagawang pag-aresto ng mga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang drug paraphaernalias at transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa mabatid na gramo ng shabu.

Samantala, hindi inaalis ni Martinez na posible umanong ginamit ng mga suspek na pambili ng shabu ang ipinagkaloob na ayuda kung saan patuloy na nagsasagawa ang mga ito ng maigting na kampanya laban sa iligal na droga.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Binan City PNP Custodial Cell na pawang nahaharap sa paglabag sa kasong RA-9165. DICK GARAY

22 thoughts on “AYUDA PINAMBILI NG SHABU 2 BAGETS TIMBOG”

Comments are closed.