ISABELA-BUMISITA si Senadora Imee Marcos sa bayan ng Ramon sa lalawigang ito upang pagkalooban ng tig-P3,000 ang may 1,000 indibiduwal partikular ang mga naapektuhan ng katatapos na bagyong Paeng.
Ang naturang benificiaries ay masusing sinala ng DSWD at ng lokal ng pamahalaan para sa tulong pinansiy bukod pa karagdagang 25 kilos na bigas.
Ang senadora ay umikot din sa iba’t ibang bayan sa Lambak ng cagayan at namahagi rin ng ayuda.
Hindi rin pinalampas ng senadora ang pagbisita sa Magat dam na ipinatayo pa ng kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1975.
Aniya, ang dam ay nasa 50 taon na at kailangan nang isaayos upang mas maging matatag ang at mapakinabangan pa. IRENE GONZALES