TUTULUNGAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Rolly.
Ayon sa 4Ps National Project Management Office (NPMO), nagsasagawa na ngayon ng mga hakbang para maipalabas sa lalong madaling panahon ang cash grants para sa August-September pay period, lalo na sa mga apektadong rehiyon, upang makayanan nila ang socio-economic setbacks dulot ng bagyo at ng nagpapatuloy na brought by the weather COVID-19 pandemic.
Pinag-aaralan din ng programa ang posibilidad ng pagdedeklara ng “force majeure” o pagsuspinde sa compliance monitoring base sa Section 11 ng Republic Act No. 11310 o ang “Pantawid Pamilyang Pilipino Program Act.”
Sa ilalim ng naturang probisyon, ang anuman o lahat ng kondisyon ay maaaring suspendihin ng DSWD Secretary sa mga panahon ng kalamidad, digmaan at armadong tunggalian.
“This means that 4Ps beneficiaries will receive their full grants for the said period and are excused from complying to the program’s conditionalities which are: children 3 to 18 years old must be enrolled in kindergarten, elementary, and high school, and attend classes at least 85% of the time each month; children 0-5 years old must receive regular preventive health check-ups, growth monitoring, and vaccines; pregnant women get pre and post-natal care (must be attended by skilled/professional health workers); children in elementary must receive deworming pills twice a year; and attendance of the grantee/parent/guardian to the monthly Family Development Sessions (FDS),” ayon sa DSWD.
Para magdeklara ng force majeure, kailangang magpadala ang DSWD Regional Director ng aprktadong rehiyon ng official memorandum sa Secretary ng DSWD na humihiling ng suspensiyon ng compliance ng conditionalities nv 4Ps beneficiaries.
Kailangan itong suportahan ng isang resolution mula sa local government units (LGU) na nagdedeklara sa lugar sa ilalim ng state of calamity.
Ang DSWD ay palaging nakikipag-ugnayan sa mga apektadong LGU para tugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng pamilya na naapektuhan ng kalamidad.
Comments are closed.