AYUDA SA AGRI SECTOR INIHIRIT KASABAY NG PAGSIPA NG INFLATION

Rep-Arthur-Yap

NAKIKITANG  long-term solution ng isang kongresista  ang  pagkakaloob ng ayuda sa agriculture sector ngayong patuloy na tumataas ang inflation rate ng bansa.

Inihayag ito ni House Committee on Economic Affairs chair Arthur Yap sa gitna ng mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para masolusyunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Pangalawa sa 10 inflation drivers ngayon ang presyo ng isda, habang pang-apat naman ang presyo ng bigas.

Iginiit ng mambabatas na kung ma­raming inaaning produkto ang mga magsasaka, maiibsan ang inflation rate kahit mataas ang presyo ng gasolina, na isa sa may epekto sa production cost.

Maging si House Speaker Gloria Arroyo ay nakita na mukhang delikado na ang inflation sa Filipinas dahil sa patuloy ang pagsipa nito.

Sa buwan ng Hulyo lamang ay  pumalo sa 5.7 porsiyento  ang inflation rate sa  bansa habang ang gross domestic product naman (GDP) ay bumagal sa 6 porsiyento.    N VILLAFANIA

Comments are closed.