AYUDA SA ECQ-2 HETO NA

MAGANDANG balita para sa mga naghihintay ng ayuda ngayong enhanced community quarantine (ECQ), sisimulan nang ipamahagi ng mga lokal na pamahalaan sa mga residenteng sakop ng NCR plus ang umaabot sa P22.9 bilyong ayuda ngayong Lunes, Abril 5.

Ito ang siniguro ni Interior and Local Government officer-in-charge Undersecretary Bernardo Florece, matapos na dagsain ng mga katanungan kaugnay sa inaabangang ayuda ng publiko na muling natengga sa kanilang mga trabaho matapos na muling isailalim sa istriktong lockdown ang NCR at karatig na mga lalawigan.

“Yes, starting tomorrow (April 5), the BTr (Bureau of Treasury) will release it directly to the concerned LGUs,” giit ni Florece.

Kinumpirma rin ito ni DILG Undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya at sinabing may abiso na sila mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Subalit sinabi ni Malaya, posibleng maipamudmod  ang inaantabayanang ayuda ng  mga residenteng sakop ng NCR plus kundi sa Lunes, ay masisimulan ito sa Martes o Miyerkoles.

Aniya, nagpalabas na ang DILG ng direktiba sa mga LGU na mag-isyu ng  executive order (EO) at idetalye ang paraan ng kanilang pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga constituent.

“LGUs must release the aid 15 calendars days upon receipt of the funds if the assistance is in cash or within 30 calendar days if assistance is in-kind,” paliwanag ng opisyal.

Nabatid na umaabot sa 22.9 milyon ang magiging benepisyaryo na sakop ng  NCR Plus, at ito ay ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Ang bawat indibidwal ay  pagkakalooban ng  P1,000 cash o  in-kind  habang  P4,000 naman ang bawat pamilya.

Tiniyak naman ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga apektadong LGU ng enhanced community quarantine (ECQ) ay may mga listahan na ng mga benepisyaryo na pagkakalooban ng ayuda.

Ang  ECQ sa  NCR Plus ay ipinatupad nitong Marso 29 at magtatapos sana nitong  Abril 4, subalit pinalawig pa ng hanggang  Abril 11 upang hindi man masawata ay mapababa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID sa bansa. BENEDICT ABAYGAR, JR.

4 thoughts on “AYUDA SA ECQ-2 HETO NA”

  1. 125468 697931An fascinating discussion might be worth comment. I believe you need to write on this subject, it may undoubtedly be a taboo topic but typically people are not enough to dicuss on such topics. To a higher. Cheers 194219

  2. 357571 996422I discovered your blog internet site on google and examine a number of of your early posts. Continue to sustain up the superb operate. I basically extra up your RSS feed to my MSN News Reader. In search of forward to reading much more from you later on! 625172

Comments are closed.